Connect with us

National News

437 local officials, mga kasabwat kinasuhan kaugnay sa anomalya sa SAP — DILG

Published

on

NAHAHARAP ngayon sa mga kasong kriminal ang 437 local elected at appointed public officials at mga kasabwat nilang sibilyan dahil sa umano’y mga anomalya sa payouts ng Social Amelioration Program (SAP).

Batay sa press release ng Department of the Interior and Local Government (DILG), maliban sa naitalang numero, may 626 pa na iniimbestigahan ang PNP-CIDG.

Inihayag naman ni DILG Secretary Eduardo Año na habang patuloy ang distribution ng 2nd tranche ng SAP, puspusan rin aniya ang kanilang pagsasampa ng mga kaso sa mga tiwaling opisyal at sa mga kasabwat nito.

Ayon pa kay Año, sa ngayon 437 na kaso na ang inihain ng Prosecutor’s Office ng Department of Justice.

203 na elected public officials naman ang mga kinasuhan, kabilang ang mga Municipal Mayors, City/Municipal Councilors, barangay captains, barangay kagawad, SK Chairmen at SK Councilors.

May 102 naman na mga barangay at city personnel na kinabibilangan ng mga barangay secretaries, barangay treasurers, barangay health workers, Home Owner’s Association officers, Purok Leaders, City/Municipal Social Welfare and Development Officer, SAP enumerators at Day Care Teachers.

Samantala mga civilian co-conspirators naman ang 132 na nadawit sa kaso.