National News
5 ahensya ng gobyerno, unang iimbestigahan dahil sa isyu ng korapsyon
TINUKOY na ng Department of Justice (DOJ) ang limang ahensya ng gobyerno na unang iimbestigahan ukol sa isyu ng korapsyon.
Pinangalanan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang limang ahensya; kabilang rito ang Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of immigration (BI), at Land Registration Authority (LRA).
Ayon pa kay Guevarra, tinuturing na corruption-prone agencies ang mga nasabing ahensya.
Giit naman ng kalihim, may isinasagawa ng ongoing investigation sa Bureau of Immigration kaugnay sa inihayag na, “pastillas scheme” at mga anomaliya sa PhilHealth.
Continue Reading