Connect with us

National News

5 OPISYAL NG DOH, SINUSPENDE NG OMBUDSMAN DAHIL SA LATE NA RELEASING NG BENEFIT NG MGA COVID-19 FRONTLINERS

Published

on

Sinuspende ng Office of the Ombudsman ang limang opisyal ng Depertment of Health dahil sa umano’y kakulangan nila na nag-resulta sa late releasing ng benefit ng mga COVID-19 frontliners.

Inisyuhan kahapon ng preventive suspension order ni Ombudsman Samuel Martires sina Undersecretary Roger Tong-an, Asst. Sec. Kenneth Ronquillo, Asst. Sec. Maylene Beltran, Director Laureano Cruz, at Admin Officer Esperanza Carating.

Suspendido ng anim na buwan “without pay” ang nasabing mga opisyal.

Ayon kay Martires, ginawa ang suspension para hindi sila maka-impluwensya sa ginagawang imbestigasyon sa issue, lalo pa at inakusahan din sila ng gross neglect of duty and insufficiency at incompetence in the performance of official duty.

Matandaan na ini-imbestiagahan ng Ombudsman ang DOH dahil sa sinasabing kakulangan ng ahensya sa pag-handle ng COVID-19 pandemic.