Connect with us

National News

500,000 AstraZeneca at 15,000 Sputnik V dumating sa Pilipinas nitong Biyernes

Published

on

AstraZeneca & Sputnik V

Mahigit 500,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na procured ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national government ay dumating na sa Pilipinas nitong Biyernes ng umaga.

Nakarating sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) ang 575,800 vaccine doses mga bandang 9:20 a.m., ito’y tinananggap nina vaccine czar Carlito Galvez at Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

“This month of August, mga 1.15 [million] yan e, about 50 percent of that arrived today. And maybe end of next week ang kasunod noon na additional,” pahayag ni Concepcion.

Sa kabuuan, mahigit 42 milyong COVID-19 vaccine doses ang natanggap ng Pilipinas simula pa noong Pebrero.

15,000 more Sputnik V arrived

Samantala, may kabuuang 15,000 Sputnik COVID-19 vaccine doses mula sa Russia ang dumating na sa Pilipinas nitong Biyernes, ayon sa government task force.

Dumating lagpas 5 p.m. ang latest batch ng doses sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at ito’y bahagi ng brand’s component 2 o ito yung para sa pangalawang dose.

Nitong Huwebes, may 26,677,269 na ang na-administer ng bakuna, kung saan mahigit 14 milyon ay nakatanggap na ng unang dose, ito’y batay sa National Task Force Against COVID-19. Habang may kabuuang 12,182,006 Filipinos na ang fully vaccinated.

Source: Inquirer.Net, ABSCBN