Connect with us

National News

530 kilos na suspected shabu, nasabat sa isang warehouse sa Pampanga

Published

on

PHOTO: National Bureau of Investigation/Facebook

Nasabat ang 530 kilo ng suspected shabu na nakakahalagang P3.6 billion sa isang warehouse sa Mexico, Pampanga noong Miyerkules, Setyembre 27.

Sa pakikipagtulungan ng ahesya ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Department of Justice (DOJ) ay na nakumpiska ang mga kontrabando na galing sa Thailand at nakahalo sa mga produkto tulad ng dog food.

Kasunod sa report na galing sa BOC Intelligence Group ay ang pagkumpiska ng 530 na pakete na naglalaman ng tig i-isang kilogram ng methamohetamine. Ang mga ipinagbabawal na sangkap na ito ay itinago sa loob ng isang lalagyan na orihinal na idineklara na naglalaman ng 881 bag ng feed ng hayop mula sa Thailand.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang operasyon sa warehouse na nasa Purok 5, barangay San Jose Malino resulta ng multi-agency operation na pinangunahan ng NBI.

Dagdag pa nito, ang mga smuggler ay may “very sophisticated” na pamamaraan na kahit ang mga drug-sniffing dogs ay hindi masinghot ang mga kontrabando.

Batay sa pahayag ng NBI, ang shipment ay dumating sa Subic Port noong Setyembre 18 galing sa Thailand na nakasakay sa vessel Sitc Shekou.

Ito ang pinakamataas na nasamsam ng mga iligal na droga sa ilalim ng administrasyong Marcos.