Connect with us

National News

6 Na Pilipinang Biktima Ng Human Trafficking, Uuwi na Mula Syria

Published

on

Biktima ng Human Trafficking
Larawan mula sa Department of Foreign Affairs

Nakatakdang umuwi ngayong araw ang anim na mga Pilipinang biktima ng human trafficking sa Damascus, Syria, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, ang anim ay kasama sa 38 na mga Pilipinang nagpasaklolo sa embahada ng Pilipinas sa Damascus matapos na mabikta ng human trafficking.

“They are all undocumented workers in Syria who ran away from their employers due to harsh working conditions,” ayon sa pahayag ng ahensya.

Matatandaang matapos makatanggap si Foreign Affairs secretary  Teodoro Locsin Jr. ng ulat tungkol sa sinapit ng 38 na Pilipina noong mga huling bahagi ng Enero ay nangako ito na pauuwiin niya ang mga biktima.

Sinabi pa ni Locsin na paiimbestigahan niya ang nangyari sa mga biktima.

Nakikipag-ugnayan na ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ng DFA sa inter-agency council against trafficking na pinamumunuan naman ng Department of Justice upang makapagsampa na ng kaso laban sa mga illegal recruiters na nagpadala sa kanila sa Dubai at Syria.

“The department lobbied hard with the Syrian authorities and employers to secure exit clearances for the repatriates,” ayon sa pahayag ang ahensya.

Sinabi naman ni Secretary Silvestre Bello ng Department of Labor and Employment na kahit walang umanong Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Syria at ang pagpapa-repatriate ng mga undocumented Filipino workers sa ibang bansa ay nasa hurisdiksyon ng DFA, titingnan pa rin umano ng kanyang ahensya ang pangyayari.