Connect with us

National News

6-year term sa barangay officials, iminungkahi sa Senado

Nais ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na gawing anim na taon ang termino ng panunungkulan ng mga barangay official para hindi na laging ipinagpapaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Published

on

“I propose elections to be held either one year before or after the presidential elections and every six years thereafter. I also propose the term of office should be six years with one reelection,” sabi ni Recto sa text message sa GMA News Online nitong Biyernes.

“This will stop the practice of constantly rescheduling barangay elections. It will be cheaper for taxpayers and for government,” dagdag niya.

Nitong Martes, inaprubahan ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan elections na gaganapin sa May 2020, at sa halip ay iuusog sa December 5, 2022.

Nakasaad din sa panukala na gawin tuwing ikatlong taon ang barangay at SK elections.

Ayon kay Recto, isusumite niya ang kaniyang mungkahi sa mas mahabang termino ng mga barangay official kapag tinalakay na ang panukala sa bicameral conference committee.

Mula noong 1988, sinabi ni Recto na anim na beses nang ipinagpaliban ang barangay elections.

“The proposed scrapping of the one scheduled in May 2020 will be the 7th. If it pushes through, it will be the 3rd under the Duterte administration, and the first three-peat of its kind in history,” anang senador.

“After seven postponements, it is time for durable cures, and not band-aid solutions. Instead of regurgitating the tired, old excuses, we should ask ourselves: Ano nga ba ang dahilan bakit parati na lang ito pinagpapaliban?” pahayag niya.

Aminado naman si Recto na may maganda at posibleng pangit na resulta ang mahabang termino ng mga barangay official. Maganda umano kung magiging mahusay ang opisyal.

Article: GMA Network