Connect with us

National News

70% sa passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan, simula na ngayon

Published

on

Mula sa dating 50%, itatas na ngayong araw sa 70% ang passenger capacity ang mga piling public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Kasunod ito ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa at tuloy-tuloy na vaccination roll-out ng gobyerno.

Batay sa rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr), nag-isyu ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng Resolution No. 146, na pumapayag na taasan ang passenger capacity ngayong Nobyembre 4.

Obtubre 28 nang aprubahan ng IATF ang rekomenadasyon ng DOTr.

Bukod dito, pinayagan na rin ng LTFRB ang pagtanggal ng mga plastic barriers sa mga pampublikong sasakyan sa buong bansa.