National News
72% ng mga Pilipino, satisfied administrasyong Marcos sa unang quarter ng 2023 – OCTA Research
Ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research, nanatiling mataas ang ratings ng mga Pilipino sa pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon. Sa unang tatlong buwan ng 2023, 72% ng mga respondent ang nagsabing sila ay “very satisfied” or “somewhat satisfied.”
Ayon sa nasabing survey, ang Visayas ang may pinakamataas na rating na may 83%, sinundan ng Luzon (maliban sa Metro Manila) na may 77%, Mindanao na may 67%, at Metro Manila na may 51%.
Sa mga respondent mula sa iba’t ibang sosyo-ekonomikong klase, ang Class D ang may pinakamataas na rating na may 74%, na sinundan ng Class E 68% at Class ABC na may 67%.
Samantala, sa iba’t ibang grupo ng edad, ang pinakamataas na rating na may 81% ay mula sa edad na 55 hanggang 64. Ang pinakamababang rating ay mula sa mga nasa edad 65 at pataas na may 61%.
Inilahad ng OCTA Research na ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face na panayam sa 1,200 na mga respondents. Ipinunto rin nito na may ±3% margin of error ang poll na mayroong 95% na antas ng kumpiyansa.