National News
8/10 sa mga Pinoy ang umaasa sa Facebook para sa pampulitikong balita
Walo sa sampung mga Pilipino ang kumukuha ng balita mula sa Facebook, ayon sa Ateneo de Manila University School of Government.
Batay sa isang pag-aaral na ginawa ng University noong 2021, sinabi ng Ateneo na 79% ng mga Pilipino ay kadalasan kumukuha ng balita mula sa random feeds ng social media network. Ang Televsion ang pangalawang source, na nasa 66%, sinundan ito ng YouTube na 57%, habang ang ibang news websites ay nasa 54%.
“While 79% of the respondents often get their news randomly from Facebook, it does not necessarily mean that Facebook is their only source of news,” pahayag ni Ateneo Associate Professor at project research manager Ma. Rosel San Pascual, batay sa ulat ng Business World.
“Respondents generally have multiple sources of news,” dagdag niya.
Sinabi ng Ateneo na ang mga Pilipino “tend to read political news” sa FaceBook, kahit na-click nila ang story o video, hindi ito nangangahulugan na tatapusin nila itong basahin o panoorin.
Sinabi rin nito na ang mga taong hindi lamang umaasa sa Facebook feed para sa pampulitikang impormasyon ay mas mayroong maayos na pagkaka-unawa sa pulitika at mas confident silang makilahok sa mga political discussions.
“Those who are not reliant on their Facebook feed for news have a greater variety of sources of news for politics, government, and governance,” Ateneo said. “They are proactively seeking news, they do not just depend on random news exposure on their Facebook feed, they also encounter news from other sources,” sinabi ni Ms. San Pascual.
Pinapakita rin ng pag-aaral na ang mga taong kadalasan umaasa lamang sa random news na nasa Facebook, ay mas “cynacil” ukol sa pulitiko. Karamihan sa mga respondents ay nagsasabi na naniniwala sila sa traditional media upang magbibigay ng tamang impormasyon patungkol sa pulitiko at politicians.
Isinagawa ang survey noong Oktubre 27 hanggang Nobyembre 12, kung saan 2,000 ang respondents. Kabilang rin ang researchers mula sa University of the Philippines sa pagsagawa ng pag-aaral na ito.
(Business World)