Connect with us

National News

89 Punong Barangay, sinuspinde dahil sa umano’y anomalya sa SAP: DILG

Published

on

SINUSPINDE ang 89 mga Punong Barangay sa bansa dahil sa umano’y anomalya sa pamamahagi ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP) subsidy.

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang naturang mga barangay officials matapos sinumite ang reklamo.

Inutusan ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga alkalde ng mga lungsod at munisipalidad na agad na i-implement ang suspension sa panahong matanggap ang order mula sa Office of the Ombudsman.

Inabisuhan din niya ang mga DILG regional at field officers na siguraduhing na implement ng maayos ang mass suspension.

Inihayag naman ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na isasagawa sa bansa ang mass suspension sa 89 na punong barangays bilang hakbang ng ahensiya para maaksyonan ang katiwalian sa implementasyon ng SAP.

Sa kabuuan, 447 na mga indibidwal ang mahaharap sa kaso na may kaugnayan sa SAP.

211 sa mga ito ay ang mga elected local at barangay officials, 104 ang appointed barangay officials at 132 ang mga umano’y civilian co-conspirators.

Karamihan sa mga sinuspinde na mga Punong Barangay ay mula sa Region 1, National Capital Region at Region II.