National News
Alahas ni Imelda, ibebenta para sa pondo vs COVID-19
Sinabi ng Malacañang na kinokonsidera nitong ibenta ang may P700 milyong halaga ng mga alahas na kinumpiska kay dating unang ginang Imelda Marcos para madagdagan ang pondo ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa man nangyayari ang COVID-19 crisis ay plano nang isubasta ang ilang koleksyon ng mga gem ni Marcos, na bahagi ng ill-gotten wealth ng kanilang pamilya.
Mayo 2019 pa aniya ay awtorisado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang public auction ng mga alahas ni Marcos na nasa P700 milyon ang halaga.
Kasalukuyan aniyang nasa Bangko Sentral ng Pilipinas ang “Hawaii Collection” ni Marcos na kinabibilangan ng Cartier diamond tiara at isang 25-carat “extremely rare” pink diamond.
Article: ABANTE