Connect with us

National News

ALAMIN: MGA PWEDE AT HINDI PWEDE KAPAG MAY GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

Published

on

Ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay base sa risk levels ng outbreak ng COVID-19 sa ilang probinsya.

Ang mga inilagay sa general community quarantine (GCQ) ay mga area na kinokonsiderang “moderate at low-risk”.

Epektibo lang ang GCQ sa Mayo a-uno at para lang sa mga lugar na hindi na mapapasailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Narito ang mga sumusunod na panuntunan na nakasaad sa General Community Quarantine (GCQ):

Papayagan na ang mga selected workers na lumabas at maghanapbuhay.

Mananatili pa rin sa bahay ang mga batang edad 20 pababa, mga matatanda na 60 pataas, at mga indibidwal na nasa high health risk.

Maaring magbukas ang mga malls pero limited ang operasyon. (Narito ang mga pwedeng mag bukas sa malls: supermarkets, drugstores, banks, laundry services, restaurants for takeout and delivery only – hindi pa rin pwedeng mag-dine-in.)

Ang papasukin lamang sa mall ay ang may edad 21 hanggang 59 na may ID at hindi mukhang may sakit. (Bawal ang tumambay sa loob ng malls. Ang aircon ay dapat nasa 26 degrees at aalisin ang free WiFi para walang tatambay sa mga malls. Ang mga mall operators ay kinakailangang magbigay ng mask at gloves sa kanilang mga empleyado.)

Pagpapatupad ng mandatory temperature check, mandatory na pagsusuot ng masks at mandatory na paggamit ng alcohol.

Papayagan nang mag-resume ang mga priority and essential construction projects: subject sa minimum health standards, physical distancing, at barracks para sa mga manggagawa.

Papayagan na ang public transportation pero sa limitadong bilang at may physical distancing.

Magbubukas ang mga airport at seaport para sa tuloy-tuloy na daloy ng mga goods at wala pa ring commercial flights.

Mananatiling sarado ang mga industries na may kinalaman sa leisure, amusement, gaming, fitness, kid industry, tourism, lahat ng mass gatherings, (kabilang ang religious services, conferences)

Papayagan na ang pagbubukas sa mga ilang industriya;

Category 1: 100% opening- agriculture, fishery at forestry, food manufacturing, food retail, supermarket, market, restaurants for takeout and delivery; healthcare, hospitals, clinics at drugstores; logistics, water, energy, internet, telecoms at media.

Category 2: 50% to 100% opening – electronics & exports, e-commerce and delivery for essential and non-essential items, repair and maintenance services, housing and office services.

Category 3: 50% work on site arrangement, work from home, and other alternate work arrangements.

Papayagang lumabas ang mga non-workers para bumili ng goods at services sa mga oras na walang curfew.