Connect with us

National News

Alice Guo, Iginiit na walang kaugnayan sa Mayor ng Sual, Pangasinan

Published

on

Alice Guo, Iginiit na walang kaugnayan sa Mayor ng Sual, Pangasinan

Iginiit ng dating mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo na wala siyang relasyon kay Mayor Liseldo Calugay ng Sual, Pangasinan, habang patuloy ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa kanyang umano’y pagkakasangkot sa isang raided Philippine Offshore Gaming Operators hub sa kanyang bayan.

Ayon kay Guo, sila ay magkaibigan ni Calugay nang tanungin siya ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada tungkol sa kanilang relasyon. Sinabi ni Estrada, “Higit sa pagkakaibigan?”

Sinagot ito ni Guo ng “Kaibigan. Hindi ko po siya boyfriend.”

Ipinakita ni Estrada ang mga litrato nina Guo at Calugay na magkatabi, na ipinaliwanag ni Guo na kuha sa isang Kasalan sa Bayan sa Sual at imbitado rin ang ibang mga politiko.

Pinaabot din ni Estrada ang mga litrato ng mga bulaklak mula umano kay Calugay na ibinigay kay Guo. Sinabi ni Estrada, “Ang daming bulaklak o. Sana all. Tapos tinanggap mo, tama? Ngayon inaamin mo ba na wala kayong relasyon?”

Binigyang-diin ni Guo, “Hindi po tama ‘yung amin, dahil wala naman po kaming relasyon.”

Nang sunod siyang tanungin ni Estrada kung gaano kalawak ang relasyon nila ni Calugay, muling inulit ni Guo na sila ay magkaibigan lamang.

Tinanong din si Guo tungkol sa isang aquafarm na tinaguriang “Alisel Aqua Farm” na umanong pag-aari nila ni Calugay. Sinabi ni Guo, “Alam ko po, hindi siya existent. Wala pong ganun’g farm po.”

Pinunto naman ni Estrada, “Kasi if you coined the name Alisel, Ali is for Alice, Sel stands for Liseldo. ‘Di ba? Tama? Baka nagkataon lang? Ano? Are you aware of that? Hindi ba kayo owner na Alice Guo at Liseldo Calugay?”

Sumagot si Guo, “Wala po akong aquafarm po doon sa place nila.”

Ayon pa kay Guo, may proposal talaga na magtayo ng aquafarm pero hindi niya matandaan ang pangalan at kung natuloy ito.

Nagpahayag siya na may plano siyang magtayo ng farm sa Sual ngunit hindi kasama si Calugay.

Nag-issue ng subpoena ang Senate committee laban kay Calugay dahil sa hindi nito pagdalo sa hearing.

Photo: Screen grab from Senate of the Philippines