Connect with us

National News

“All areas are showing an increase in cases” – DOH; Metro Manila at lima pang lugar, high-risk muli

Published

on

increase of covid19 cases

Nais ng Department of Health (DOH) na ilagay sa “higher community quarantine levels” ang Pilipinas bilang panlaban sa Delta variant matapos maitala nila ang pag-taas sa mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

“All areas are showing an increase in cases,” sinabi ni Health spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa state television PTV.

“We need to immediately address, observe case increases, closely monitor health care utilization and consider implementing higher community quarantine as preemptive measures to contain the Delta spread,” dagdag niya.

“High Risk” Again

Ayon sa isang health official, binalik na muli sa pagiging “high risk” ang Metro Manila kasama ang lima pang ibang rehiyon.

Ang mga iba pang rehiyon na kinokonsiderang high-risk ay:

  • Central Visayas
  • Ilocos Region
  • Cagayan Valley
  • Cordillera Administrative Region
  • Northern Mindanao

Nitong Agosto 2, ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na umabot sa 2,074, ito’y sinundan ng Calabarzon, Central Visayas, Central Luzon, at Western Visayas, ito’y batay sa data ng DOH.

Ang Cavite, Laguna, Quezon City, Bulacan Cebu City, at Bohol ang top contributors ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

May siyam naman na cities sa capital region ang may Delta variant cases.

“Nearly Full”

Dagdag pa ni Vergeire, ang mga intensive care units sa Las Piñas City ay “nearly full” habang nasa critical risk na ang Pateros at Malabon.

Batay sa data ng DOH, ang two-week growth rate (TWGR) ng virus sa Pateros ay nasa 328% na, ibig sabihin nito na may mga 22 tao sa area ang nahahawaan ng virus bawat araw sa nag-daang dalawang linggo.

Sa Malabon naman ang TWGR nila ay nasa 314%, at may estimated na 12 bagong COVID-19 patients bawat araw sa loob ng dalawang linggo.

“We should stockpile on essential COVID-19 medicine and commodities,” she said, adding that there should be a “30-day buffer for personal protective equipment, reagents, and other medical supplies.

Samantala, may 13 pang ibang areas ang may high risk ADARs:

  • San Juan
  • Pasay
  • Las Piñas
  • Navotas
  • Muntinlupa
  • Parañaque
  • Valenzuela
  • Pasig
  • Mandaluyong
  • Taguig
  • City of Manila
  • Quezon City

Ang ADAR ay tumutukoy sa bilang ng mga bagong kaso sa isang lugar sa loob ng dalawang linggong panahon, divided ng population meron doon.

Raise the Vaccination Target

Maraming government advisers ang humimok sa national government na itaas ang vaccination target ng bansa sa 80% kaysa 70%.

Ito’y upang mas maraming Filipino ang maprotektahan laban sa Delta variant, kung saan ito’y “60 to 100% more transmissible” kumpara sa original strain ng virus.

Kamakailan lamang, inanunsyo ng national government na ilalagay sa pinaka-striktong lockdown ang NCR simula Agosto 6 hanggang Agosto 20 upang ma-curb ang pagkalat ng Delta variant.

Inaasahang mawawalan ng hanggang P105 bilyon bawat linggo ang Pilipinas dahil sa lockdown ng Metro Manila.

Source: ABSCBN, PhilStar