Connect with us

National News

Ama arestado sa pagbebenta ng 11-month-old na anak

Published

on

Inaresto ng National Bureau of Investigation Special Task Force (NBI-STF) ang isang tatay dahil sa pagbebenta ng sariling anak sa halagang P55,000.

Nahuli ang akusadong si Kenneth Crisologo sa isang entrapment operation sa Quezon City.

Nakatanggap ng impormasyon ang NBI -STF na nagbebenta si Crisologo ng sariling anak online.

Nakipag-ugnayan ang mga operatiba sa kanya at nakumpirma na siya ay nag-aalok ng isang sanggol kapalit ng Php55,000.

Dahil dito, nagsagawa ng entrapment operation ang NBI para mahuli si Crisologo.

Nakipagkasundo ang mga operatibo sa kanya na bibilhin nila ang 11 -month-old na sanggol at nagkita sa Barangay Pag-asa, Quezon City kung saan ito naaresto.

Dinampot ang suspek at dinala para sa inquest proceedings kaugnay sa nabanggit na paglabag, habang ang biktimang menor de edad ay nasa pangangalaga na ng Social Services Development Department ng Quezon City.