National News
“AN UNCHRISTIAN QUESTION’: SAGOT NI ROQUE SA MGA NAGTATANONG KUNG PAANO SYA MADALING NAKAKUHA NG OSPITAL
Tinawag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “un-Christian question” ang mga nagtatanong sa kanya kung paano siya madaling nakapagpa-ospital sa kabila ng mga ulat na nahihirapan ang mga COVID-19 patient ngayon na makapasok sa ospital dahil punuan na.
Nabatid na naka-confine ang kalihim sa ospital dahil din sa naturang virus.
Itinanggi naman ng opisyal na magbigay ng detalye tungkol dito.
“With all due respect, that is an unchristian question, bumaba po ang aking oxygen level to 90,” pahayag ni Roque nitong Lunes habang nasa Philippine General Hospital.
Samantala, tiniyak naman ng opisyal na nakalatag na ang mga tulong medikal sa bansa ngayong pandemya.
“Ang aking assurance, sa administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte, lahat po ng nangangailangan ng tulong medikal ay mabibigyan ng tulong dahil sa Universal Healthcare Law,” ani Roque.