National News
ANGKAS SA MOTORSIKLO, NAIS MULING IPAGBAWAL NI PANELO
Iminungkuhi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na muling ipagbawal ang mag-angkas sa mga motorsiklo.
“Ipagbawal na lang natin ‘yong merong sumasakay sa motorsiklo. Tama lang ‘yong isa lang,” pahayag ni Panelo.
Paliwanag ng opisyal, tanging ang anti-riding-in-tandem policy lang ang paraan para maiwsan ang riding-in-tandem shootings.
Inihayag ni Panelo ang panawagan matapos isagawa ang launching ng PNP ng Tactical Motorcycle Riding Units (TMRUs) para tugisin ang mga motorcycle-riding criminals.
Giit pa niya, kailangang magsakripisyo para sa kaligtasan ng lahat.
“You have to choose between this and that kasi kung hindi bawal yung may kaangkas, e palaging merong ganyan because they can always pretend to be husband and wife, they can always pretend to be husband and son,” ani Panelo.