National News
‘Araw’ brooch, suot ng mga women legislators sa #SONA2020


Isang special accessory na brooch na may simbolo ng araw ang suot ng mga babaeng mambabatas ng Kamara sa ika-limang State of the Nation Address(SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Marikina 2nd District Rep. Stella Luz Quimbo, gawa ng Philippine Fashion Coalition (PFC) ang “Araw” brooch at ang pagsuot nila nito parte ng kanilang pagsuporta sa mga Filipino designer.
Kahugis ito ng kalahating araw na nagsisimbolo ng pag-asa at pagkakaisa na nagkakahalaga ng P5,000 kada isa.
Paliwanag naman ng PFC, “The “Araw” brooch, which takes the shape of a half-sun, is made of indigenous fabric and comes in blue and ivory versions. It symbolizes confidence despite challenges, profound wisdom, stability, and unity. It meant to show that we are always collaborative and become relevant when complemented and made part of the story, and succeedingly, history.”
Kaugnay nito, sinabi ni Deputy Speaker Baby Arenas, Pangulo ng Association of Women Legislators Foundation, Inc. na nais ng mga lady solons na maging memorable ang SONA ngayong taon sa pamamagitan ng pagsusuot ng Araw Brooch.
“I hope that the women legislators are inspired to continue working for the nation’s swift recovery and our kababayans are reminded not to lose hope and continue praying for our nation. God bless the Philippines,” pagtatapos ni Arenas.