National News
“ATING PAMUMUHAY, KAILANGANG I-AKMA SA PAGBABAGO NG KLIMA” – REP. LEGARDA
KAILANGAN na i-akma ng bawat Pilipino ang kanilang pamumuhay sa pagbabago ng klima o tinatawag na climate adaptation.
Ayon kay Antique Representative at senatorial candidate Loren Legarda may magagawa tayo sa gitna ng krisis na ito.
Aniya, dahil sa climate crisis, magiging madalas ang pagtama ng bagyo kung saan maaaring umabot ng halos 20 bagyo sa loob ng isang taon.
Dagdag pa nito na mas magiging malakas pa ang mga bagyo kumpara sa mga nagdaan na.
“Yes we can do something. Because of the climate crisis, the typhoons will become more frequent, more than 20 a year. It will become more intense. It is going to worsen.”
Kaugnay nito, hinimok ni Legarda ang bawat Pilipino na magtanim sa kani-kanilang bakuran lalo na ng mga gulay.
“Diba maraming plantito at plantita dito. You grow your own food, bahay kubo vegetables,” saad nito.
Para sa kongresista, ito ay isa lang maliit na adaptation measure na kaya nating gawin sa araw-araw.