Connect with us

National News

Ayudang P26.6M para sa mga nasalanta ni “Rolly”, naibigay na — Palasyo

Published

on

Umabot na sa mahigit P26.6 million na ayuda ang naibigay para sa mga nasalanta ng bagyong Rolly batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSDWD).

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Huwebes. Aniya, saklaw ng relief assistance ang 8 rehiyon kabilang na ang Bicol region na matinding na pinsala dahil sa bagyo. 

Sa ngayon mayroon pang nananatili sa mahigit 1,200 na mga evacuation center. 

Aabot ito sa 138,209 indibidwal o 34,700 na pamilya. 

Nakikitira naman sa mga kaanak ang mahigit 12,500 na pamilya o nasa mahigit 47,600 katao.

Dagdag pa ni Roque, ang mga magsasaka sa Bicol region ay maaaring makakuha ng hanggang P15,000 na insurance claim para sa mga nawasak nilang pananim.

Continue Reading