Health
Bagong dengue vax, posibleng aprubahan ngayong taong – DOH
Posibleng aprubahan na ngayong taon ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang second-generation dengue vaccine.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa, noong nakaraang taon ay nag-apply na ng certificate of product registration (CPR) sa Food and Drug Administration o FDA ang Japan-based pharma company na Takeda para sa dengue vaccine na Q-denga.
Aniya pa, karaniwang tumatagal ng isang taon ang proseso ng pag-aaral na isinasagawa ng FDA sa mga dokumento na isinumite bago magpalabas ng CPR kaya maaring lumabas na ngayong taon ang lisensya para dito.
Maliban sa dengue vaccine, pinag aaralan na rin ng DOH ang Wolbachia program o ang paglalagay ng bacteria sa female mosquito para hindi magka dengue na ginagamit na umano sa Indonesia.
Dahil dito, plano ni Herbosa na magsagawa ng research kaugnay nito sa Pilipinas. |SMV