National News
Bagong DepEd chief, hinikayat ang ahensiya ng gobyerno at mga kumpanya na mag-hire ng K-12 grads
Hinikayat ni incoming Department of Education (DepEd) Secretary, Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara ang mga ahensya ng gobyerno at kumpanya na mag-hire ng mga Senior High School (SHS) graduates sa mga trabaho na nangangailangan ng mga simpleng gawain.
Sinabi ni Angara na hindi naisakatuparan ang K-12 employability dahil karamihan pa rin sa mga job qualifications ay dapat may college degree.
“Gusto nating i-convince ang ating mga employers, even starting with the government agencies, iyong mga lower-level jobs po, dapat ay K-12 graduates in certain competencies or certain skills na tinuro sa kaniya, dapat sapat na po iyon,” saad niya sa isang panayam.
Papalitan ni Angara si resigned Education Secretary, Vice President Sara Duterte na kamakailan lang ay naglunsad ng review sa K-12 curriculum.
Aniya pa, hihintayon niya ang magiging resulta ng nagpapatuloy na K-12 curriculum review para matukoy kung kailangan pa ng rebisyon at tugunan ang “skills mismatch and employability challenges”.