Connect with us

COVID-19

Bagong record-high ng COVID-19 daily cases ng bansa naitala kahapon, na umabot sa 22,415

Published

on

record-high ng daily COVID-19 cases 22,415

May naitalang bagong record-high na bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw ang Pilipinas kahapon, na umabot sa 22,415, dahil dito ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ay nasa 2,103,331 na.

Nalampasan nito ang kasong naitala nitong Lunes, Agosto 30 na nasa 22,366.

Batay sa case bulletin ng Department of Health (DOH), ang kabuuang aktibong kaso sa bansa ay nasa 159,633, ito na ang pinaka-mataas mula pa noong Abril 13, na may naitalang 165,534 aktibong kaso.

Ayon sa DOH, tumaas rin ang bilang ng namatay na nasa 34,337, matapos may naitalang karagdagang 103.

Samantala, may 20,109 na gumaling mula sa COVID-19, dahil dito ang kabuuang naka-recover ay 1,909,361.

Sa kabila ng mga panawagan na dagdagan ang COVID-19 testing capacity, ang kabuuang naisagawang tests ng bansa ay 73,264 lamang.

Habang, ang COVID-19 positivity rate ng Pilipinas ay nasa 28.8%, malayo sa international standard na dapat mas mababa pa sa 5%.

Matapos suriin, in-update ng DOH ang kabuuang bilang ng kaso, sa pamamagitan ng pagtanggal ng 68 duplicates, kabilang na ang 53 na gumaling, may ni-reclassify rin silang pitong naka-recover sa bilang ng namatay.

Sinabi rin ng DOH na lahat ng laboratoryo ay operational noong Setyembre 4, ngunit may walong laboratoryo na hindi nakasumite ng kanilang data sa COVID-19 Document Repository System.

(Source: By CONSUELO MARQUEZ, GMA News)

Continue Reading