Connect with us

National News

Bagyong Enteng lalabas mula sa PAR sa Miyerkules.

Published

on

Bagyong Enteng lalabas mula sa PAR sa Miyerkules.

Ayon sa ulat ng PAGASA ngayong Martes 8 a.m patuloy ang pagkilos ng Bagyong Enteng sa direksyong kanluran-hilagang kanluran,at patuloy na kumikilos patungong West Philippine Sea.Inaasahan na ito ay lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa umaga ng Miyerkules, Setyembre 4. Matapos nito, magpapatuloy ito sa direksyong kanluran patungong Hainan, China, na inaasahan sa Setyembre 7.

Ang bagyong Enteng ay nagdulot ng pagbaha, landslide, at pagkawala ng kuryente sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Metro Manila at CALABARZON region. Ayon sa mga ulat, ilang indibidwal ang nasawi at nawawala dahil sa mga landslide sa Antipolo at pagbaha sa Naga City, Camarines Sur.

Dahil sa matinding panganib na hatid ng bagyo, ipinatupad ng mga lokal na pamahalaan ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga apektadong lugar. Naglabas din ng babala ang PAGASA tungkol sa posibleng pag-apaw ng ilang dam, kaya’t patuloy ang kanilang pagsubaybay sa sitwasyon upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko

Patuloy na pinapalakas ng Bagyong Enteng ang habagat, na siyang nagdudulot ng mas matinding pag-ulan sa Luzon, partikular sa kanlurang bahagi nito. Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat at sumunod sa mga abiso ng lokal na awtoridad para sa kanilang kaligtasan.

Photo: PAGASA