National News
Bahrain, magtatayo ng embahada sa Pinas ngayong taon
Pormal nang bubuksan ng Bahrain ang kanilang embahada sa Pilipinas bago matapos ang taong ito ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa isang pahayag ay sinabi ng DFA na naghahanda na ang Bahrain Foreign Ministry para sa inagurasyon ng bagong foreign service post sa bansa matapos ang ilang mga negosasyon noong 2023.
Bumisita sa Bahrain Foreign Ministry Undersecretary Isa Nasser Al Noaimi sa bansa noong Agosto 22 upang inspeksyunin ang ginagawang gusali ng embahada. Nakipagkita rin siya kay DFA Undersecretary for Administration Antonio Morales.
Tiniyak ni Morales sa kanilang pag-uusap na nananatiling “enduring and robust” ang ugnayan ng dalawang bansa.
“The establishment of an embassy in Manila is expected to serve as a catalyst for expanding bilateral cooperation in many areas of mutual interest. Both officials expressed optimism about the positive impact this new diplomatic presence will have on strengthening ties between the two countries,” ayon sa DFA.
Sa kasalukuyan, ang Bahrain Embassy sa Bangkok, Thailand ang may may concurrent jurisdiction sa Pilipinas.