Connect with us

National News

Bakuna kontra COVID-19 inaasahang maipalabas sa January 2021 – Pangulong Duterte

Published

on

Inaasahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipalabas sa Enero ng susunod na taon ang bakuna kontra-COVID-19

Ayon sa presidente, isang pharmaceutical company ang nasa proseso na ng paglikha ng bakuna.

Ang naturang bakuna ay nililikha ng United States National Institute of Health at mga scientist sa biotechnological company na Moderna sa Cambridge, Massachusetts.

Nagsagawa na rin umano ng human trials ng COVID-19 vaccine ang Moderna.

Paalala naman ng Pangulo, dapat patuloy pa ring sundin ang mga health measures para makaiwas sa COVID-19 hangga’t hindi pa lubusang naihahanda ang bakuna laban sa sakit.