Connect with us

National News

BANGKAY NG OFW SA ABU DHABI, INIUWI SA PINAS AT ISINALANG SA DNA UPANG MATIYAK ANG PAGKAKAKILANLAN

Published

on

OFW Patay
Larawan mula sa siasat.com

Sampung buwan na ang nakalilipas nang huling maka-biruan ni Merilita Madrigalejo ang anak na nagtatrabaho United Arab Emirates (UAE). Hindi umano niya akalain na ito na ang huling beses na maririnig niya ang tawa ng anak

Nito lamang Enero 19, nakatanggap ng isang tawag si Merilita Madrigalejo mula sa embahada sa United Arab Emirates at sinabing natagpuan ang umanoy’ bangkay ng kaniyang anak na si Mary Anne Daynolo, ngunit naagnas na ito.

Natagpuang patay si Daynolo sa hotel sa Abu Dhabi  kung saan nagtatrabaho  siya bilang isang receptionist.  Base sa inisyal na imbestigasyon, isang saksak sa leeg ang ikinamatay ng biktima.

Iniuwi ang sinasabing bangkay ng OFW sa Pilipinas nito lamang Sabado ngunit dahil naagnas na ang bangkay at halos puro buto na lang, hindi na ito makilala.

Agad na humingi ng tulong mula sa National Bureau of Investigation ang pamilya ng nasawi upang maisailalim sa DNA test at autopsy ang bangkay.  Ito lamang umano ang kanilang pag-asa upang matukoy kung ang iniuwing bangkay nga ba ay ang kanilang kapamilya.

Tapos nang gawin ang autopsy at hinihintay na lang ang resulta bago nila maiuwi ang bangkay sa kanilang lugar sakaling makumpirmang iyon nga ang labi ni Mary Anne.

Umaasa pa si Nanay Merlita na sa kabila ng mga pangyayari ay buhay pa ang kanyang anak.

“Minsan po nararamdaman ko pero talaga iniisip ko na hindi ako makapanilawala na anak ko yun. Naiisip ko talagang buhay siya,” aniya.

“Pinapaniwala ko ang sarili ko na buhay siya kasi parang napakasakit yung ginawa sa anak ko, akala mo hayop,” dagdag pa niya.

Kung totoo ngang ang labi ni Mary Anne ang kanilang sinalubong, ang mahalaga umano ay natagpuan ito kaya hihingi sila ng tulong para makamit ang hustisya.

Marso 4, 2020 huling nakausap ni Merlita si Mary Anne at nagbiruan lang umano sila tungkol sa birthday ng ina. Hindi niya akalaing yun na ang huling pag-uusap nila.

Limitado pa ang mga puwedeng sabihin ni Merlita sa media dahil kasalukuyan pa ring iniimbestigahan sa Abu Dhabi ang pagkamatay ni Mary Anne.

Dasal ng buong pamilya nila, makamit nila ang hustisya para kay Mary Anne na naghangad lang ng magandang hanapbuhay sa ibang bansa.

Continue Reading