Advisory
Bawas presyo ng langis inaasahan bukas
MANILA – Magandang balita! May bawas-presyo ng langis sa ikalawang linggo ng Setyembre. Inanunsyo ng iba’t ibang kumpanya ngayong Lunes ang mga pagbabago sa presyo na magiging epektibo simula bukas, Setyembre 10, Martes.
Ang Shell Pilipinas ay magpapatupad ng bawas-presyo na P1.55 kada litro sa gasolina, P1.40 kada litro sa kerosene, at P1.30 kada litro sa diesel epektibo alas-6 ng umaga.
Parehong bawas-presyo ang ipapatupad ng Caltex para sa gasolina, kerosene, at diesel, na magiging epektibo alas-6:01 ng umaga.
Samantala, ang Cleanfuel ay magbababa rin ng presyo ng gasolina ng P1.55 kada litro at diesel ng P1.30 kada litro, epektibo alas-12:01 ng hatinggabi.
Ang pagbaba ng presyo ng langis ay nakikitang magandang balita para sa mga motorista at negosyong umaasa sa transportasyon. Makakaagapay ito sa pang-araw-araw na gastusin lalo na’t papasok ang ber months kung saan kabilang ang mahalagang selebrasyon ng Pasko na karaniwang nangangailangan ng karagdagang gastusin.