National News
BAYANIHAN 2, INAPRUBAHAN NA NG BICAM
INAPRUBAHAN na ng Bicameral conference committee ang panukalang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na layunin na ma-stimulate ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemya.
Inihayag ito ni Senator Sonny Angara. Ayon sa kanya inaprubahan ang P140-billion budget para matulungan ang naapektuhan ng health crisis.
Batay pa sa impormasyon, mayroon din itong dagdag na P25 billion bilang standby appropriations.
Ayon naman kay Senator Imee Marcos, nakalusot din sa BiCam ang P10, 000 special risk allowance para sa health workers.
Magkakaroon din ng sickness benefits na P15,000 kung ang health workers ay ma-infect ng COVID-19.
Continue Reading