National News
“Bayanihan to Recover as One” (Bayanihan Act 2), naipasa na sa 2nd reading ng kongreso
Naipasa na sa 2nd reading ng kongreso ang pundo ng Bayanihan to Recover as One o Bayanihan Act 2 na nagkakahalaga ng P162B.
Ayon kay Aklan 2nd Dist. Cong. Ted Haresco na naglalayon ito na makapagbigay ng tulong sa mga sektor na apektado ng COVID-19 pandemic.
Ang P12B dito ay para sa procurement ng COVID-19 testing kits, P18B para sa cash for work program at TUPAD, P5B para sa DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations, P21B para sa unemployment assistance to displaced workers, P50B-capital to government financial institutions, P21B-support sa agricultural sector, P21B-assistance sa businesses transportation industry at development sa sidewalks at bicycle lanes, P10B- assistance sa mga negosyo sa industiya ng turismo, P38B- assistance para sa transition sa flexible learning modality ng state universities at colleges at P1B- para sa pag establish ng TESDA smart campuses.