Connect with us

National News

BI pina-deport na ang 27 Chinese na inaresto dahil sa illegal online gaming

Published

on

PHOTO: Bureau of Immigration/Facebook

Pina-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang 27 Chinese nationals na naaresto dahil sa illegal na pagtatrabaho sa bansa.

Unang plinano ng BI na i-deport ang 33 dayuhan pero hindi nakasama sa flight ang anim sa kanila dahil hindi nakakuha ng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at dahil sa iba pang pending na kaso sa bansa.

Nilinaw ni BI Commissioner Norman Tansingco na kailangan muna maresolba ang mga pending na kaso ng anim para makakuha ng clearance bago sila ipa-deport.

“We are committed to ensuring that all necessary legal procedures are followed before deportation,” ani Tansingco.

Ang mga na-deport na Chinnese nationals ay kasama sa mga naaresto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa magkakahiwalay na operasyon sa Las Piñas, Pasay, at Tarlac.

Target ng mga operasyon ang mga illegal online gaming activities na nagresulta ng pagkakaaresto ng maraming dayuhan na lumabag sa Philippine immigration laws.