Connect with us

National News

Bilang Ng Mga 10-14 Anyos Na Nabubuntis, Tumataas; POPCOM, Nananawagan Ng Social Support

Published

on

Teenage Moms
Larawan mula sa youthproblemsinthephilippines.weebly.com

Nanawagan ang Commission on Population and Development (POPCOM) ng social support para sa mga menor de edad na nabubuntis.  Ang panawagan ay inilabas matapos na lumabas ang resulta ng state statistics bureau na nagsasabing tumaas ng 7 porsyento ang bilang ng mga babaeng edad 15 pataas na nabuntis sa taong 2019 kumpara sa nakalipas na taon.

“In 2019, 2,411 girls considered as very young adolescents aged 10 to 14 gave birth, or almost seven every day. This was a three-fold increase from 2000, when only 755 from the said age group gave birth,” ani ng komisyon.

Sinabi ng POPCOM na simula 2011 ay ito na ang ika-9 na taon na tumaas ang bilang ng mga nabuntis at binigyang-diin din na isa sa bawat 10 kaso ng pagbubuntis ay naitala sa  mga tinedyers.

“Overall, the number of Filipino minors who gave birth in 2019 increased to 62,510, which was slightly higher than the 62,341 minors in 2018,” ayon pa sa pahayag.

Dagdag pa ng POPCOM,  isa sa tatlong nanganganak ay mga menor de edad lalo na sa Calabarzon, Metro Manila at Central Luzon. Nakapagtala din ng mataas na kaso ang mga lugar sa labas ng Luzon, Cebu or Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, at Cotabato.

Ayon sa Undersecretary ng Population and Development na si Juan Antonio Perez III,  nakakaalarma ang pagtaas ng kaso ng teenage  pregnancy sa bansa.

Inatasan na rin ng Kongreso ang POPCOM na makipagugnayan sa Department of Social Welfare and Development upang mabigyan ng social protection ang mga menor de edad na mga ina at ang kanilang mga anak.

“POPCOM and DSWD, together with other agencies, are looking forward to roll out this social protection program this year,” sabi pa sa pahayag.

Ayon sa POPCOM, nakikipagtulungan na rin sa kanila ang mga local government unit (LGU) upang mabawasan ang kaso ng adolescent births.

Bahagi ang mga LGU ng The Challenge Initiative – isang partnership na kinabibilangan ng POPCOM, Zuellig Foundation at ang Melinda and Bill Gates Institute na itinatag noong Nobyembre ng 2020 at naglalayong magpatupad ng mga programa na makatutulong na mabawasan ang teenage pregnancy sa mga komunidad sa bansa.

Continue Reading