Economy
Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, bumaba noong Enero – PSA
Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Enero 2022 na 6.4% o katumbas ng 2.93 milyong Pilipino, kumpara noong Disyembre na nasa 3.27 milyong Pilipino ang walang trabaho.
Ayon kay National statistician Dennis Mapa, mas mababa rin ito sa 3.96 milyong Pilipinong walang trabaho na naitala noong Enero 2021.
“The number of persons 15 years old and over reported as either employed or unemployed was estimated at 45.94 million in January 2022. This was higher compared to the 45.21 million Filipinos in the labor force in the same period last year,” sinabi ni Mapa, batay sa ulat ng Inquirer.
“In terms of the labor force participation rate, this remained the same as the January 2021 rate of 60.5 percent,” dagdag niya.
Samantala, ang employment rate sa bansa para sa buwan ng Enero ngayong taon ay 93.6%, mas mataas sa 93.4% na naitala noong Disyembre 2021, at sa 91.2% noong Enero 2021.
“In terms of magnitude, the number of employed persons increased by 1.77 million from 41.25 million in January 2021 to 43.02 million in January 2022,” pahayag ni Mapa.
Dagdag rin ni Mapa na ang bilang ng mga underemployed o employed na indibdwal na nais magkaroon ng karagdagang oras sa kanilang kasalukuyang trabaho o magkaroon ng isa pang trabaho o nais magkaroon ng bagong trabaho na may mas mahabang work hours ay nasa 6.40 milyong indibidwal o 14.9% underemployment rate.
Sinabi niya na mas mababa ito sa 16% na naitala noong Enero 2021, ngunit mas mataas ito sa 14.7% na naitala noong Disyembre 2021.
(Inquirer)