Connect with us

National News

Bilang ng mga quarantine violators, umakyat na sa 81,908

Published

on

Photo: Kalibo PNP

Mahigit 21,000 indibidwal ang dinakip ng mga otoridad kahapon araw ng Sabado dahil sa paglabag ng enhanced community quarantine sa Luzon dahilan na umakyat na sa 81,908 ang kabuuang bilang ng mga quarantine violators.

Batay ito sa tala ng Joint Task Force on Corona Virus Shield (JTF CV Shield).

Sa kabuuan, 56,713 sa mga ito ang binigyan ng warning at nasa 4,018 naman ang pinagmulta.

Nasa 635 naman ang naaresto ng JTF CV Shield ng dahil sa pagbebenta ng mga overpriced na medical equipment sa kalagitnaan ng coronavirus disease pandemic.

May total na 7,561 drivers ng mga public utility vehicles naman ang inaresto sa paglabag ng suspension ng public mass transportation sa quarantine period.