Health
Bilang ng vaccine hesitancy sa mga Pinoy, patuloy na bumababa – SWS
Patuloy na bumababa ang bilang ng mga Pilipino na ayaw magpabakuna, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Isinagawa ang survey noong Disyembre 12 hanggang 16 2021, at batay sa resulta, na 8% na lamang ng mga adult na Pilipino ang nagsasabing hindi nila nais magpabakuna laban sa Covid-19.
Ang bilang ay bumaba mula sa 18% noong Setyembre, 21% noong Hunyo, at 33% noong Mayo.
Sa 8% na ayaw magpabakuna, 1% ang nagsasabi na “they probably would not get vaccinated,” habang 7% ang nagsasabi na “surely” hindi sila magpapabakuna.
Pagdating sa mga lugar, sa Metro Manila ang may pinakamababang drop sa vaccine hesitancy, mula 7% noong Setyembre, naging 4% na lang noong Disyembre 2021.
Sa Visayas naman, bumaba ng 9% ang vaccine hesitancy mula sa 24% noong Setyembre, naging 15% na sa Disyembre. Sa Balance Luzon, bumaba ito sa 8% mula 15%, at sa Mindanao mula 25% naging 8% rin.
Samantala, pinapakita rin sa survey na 6% ay “uncertain about getting vaccinated,” mas mababa kumpara noong Setyembre na 19%.
Nabanggit rin ng SWS na 50% ng mga adults ay nagsasabi na nakatanggap na sila ng isang dose ng Covid-19 vaccine.
“This total consists of 38% reporting they received two doses of the vaccine and 13% reporting they received one dose, correctly rounded,” sabi ng SWS, batay sa ulat ng GMA News.
Sa mga hindi nabakunahan, 35% ay willing na magpabakuna, habang 33% ay nagsasabi na “they will surely get vaccinated” at 3% naman ang nagsasabi na they will probably get vaccinated.”
Sabi ng SWS, isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews ng 1,440 adults.
Ang sampling error margins ay nasa ±2.6% paras a national percentages, at ±5.2% para sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.
(GMA Network)