National News
Bilang ng walang trabaho sa bansa, bumaba ng 3.1% kumpara noong nakaraang taon – NEDA
Bumaba ng 3.1% ang bilang ng walang trabaho sa Pilipinas ngayong taon, ayon sa ulat ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), nagtala ng pagbaba ng unemployment rate ang bansa nitong Hunyo kumpara sa 4.5% noong Hunyo 2023. Maituturing itong record-low at pinakamababa sa nakalipas na dalawang dekada.
Giit ng NEDA, bunsod umano ito ng pagtutok ng pamahalaan sa pagbuo ng mga “high-quality employment opportunities” para sa mga manggagawang Pilipino.
Sa ngayon ay aabot na sa 50.3 million katao ang mayroong trabaho at halos 59% ng working population ay nagtatrabaho sa services sector .
Kabilang sa mga sektor kung saan lumobo ang employment ang construction na nagdagdag ng 938,000 trabaho at manufacturing na may karagdagang 353,000 bagong posisyon.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan, nakatutulong ng malaki sa labor growth ang mga infrastructure projects ng pamahalaan patina ang pagsisiguro na mayroong “favorable conditions” para sa mga manufacturing entities.
“The government’s increasing investments in renewable energy, water supply, and mining and quarrying have also supported employment growth in these areas,” ani Secretary Balisacan.
Bagama’t mababa pa rin ang bilang ng mga nais sumabak sa agrikultura at iba pang kaugnay na sektor dahil sa iba’t ibang environmental at geopolitical factors, gumagawa umano ang pamahalaan ng mga kinakaillangang hakbang upang mabigyang-solusyon ang isyu at mapalakas ang mga nabanggit na sektor.
Bumabalangkas din umano ang gobyerno ng mga estratehiya upang tutukan ang kalidad ng trabaho at pagpapaunlad ng productivity.
“To sustain these gains, we will persist in improving the country’s business climate to attract investments that generate higher-quality jobs. The government will address bottlenecks and expedite processes to fulfill investment pledges and reap the benefits of liberalization reforms,” saad ni Balisacan.
Dagdag pa ng kalihim, plano ng pamahalaan na mag-adopt ng mga emerging technologies at paigtinging ang kalidad ng mga Pilipinong manggagawa sa pamamagitan ng upskilling and reskilling.
Kabilang sa mga isinususog na agenda ay ang Industry 4.0 facilities, National AI Strategy Roadmap 2.0, at ang panukalang Apprenticeship Bill.