Connect with us

National News

BIR: Vlogger couple na kumita ng P50M-P100M, binura ang channel para makaiwas sa tax

Published

on

Ibinulgar ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na may isang vlogger couple na kumikita ng multi-million peso na nagbura ng social media channel para makaiwas sa tax.

Base sa paunang imbestigasyon ng BIR, kumikita ang couple ng P50 hanggang P100 million sa loob ng dalawang taon na naging daan para makabili sila ng mga mamahaling sasakyan at mansyon sa Metro Manila.

Ayon sa BIR, binura ng magkasintahan ang kanilang channel ilang araw matapos inanunsyo ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay na bubuwisan na nila ang mga social media influencers (SMIs) na kumikita ng malaking pera sa mga social media platforms gaya ng YouTube at Facebook.

Dagdag pa ng BIR, mayroong mahigit 11 million subscribers ang nasabing couple na hindi na nila pinangalanan.

Pero ayon sa BIR, ang mga vloggers na nagbura ng social media channels ay hindi pa rin exempted sa pagbayad ng tax.

Ang mga vloggers ay ikinukunsiderang self-employed na papatawan ng 12% value-added tax kung ang annual income ay P3 million pataas, 8% naman kung mas mababa sa nabanggit na halaga at exempted naman kung hindi sobra sa P250,000 ang kinikita.

Nag-abiso si Dulay sa mga vloggers na maging totoo at tapat sa kanilang income tax declaration para maiwasan ang tax evasion charges.