National News
Blended learning pa rin sa darating na School year 2021-22
Blended distance learning pa rin ang gagamitin para sa School Year 2021-2022, matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang opening classes ay sa September 13, batay sa Department of Education (DepEd).
“Upon the approval of the President on the opening of classes on September 13, he has approved the continuous implementation of blended learning. He has not yet approved face-to-face instruction. I want to make it clear, it’s still blended learning,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.
Matatapos ang School Year 2021-2022 sa June 24, 2022.
Ayon kay Briones ang pag-iimplement ng blended learning, ay maiiwasan ng mga estudyante at mga guro ma-exposed o mahawaan ng Covid-19.
Ang blended learning ay gumagamit ng online classes, printed modules, television at radio broadcasts.
Preparing for school reopening
Para sa paghahanda ng school opening, sabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang mga karanasan mula sa nakaraang school year ay ang maghuhugis sa paghahatid ng edukasyon para sa 2021-2022.
“The lessons we have learned with blended learning in the past school year will serve as our guide to improve the delivery of education to our students. For the upcoming school year, we will continue to use the streamlined curriculum of the Most Essential Learning Competencies,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Malaluan na nagsasagawa din sila ng mga focused group discussions patungkol sa mga best practices ng mga guro at eskwelahan para umunlad ang implementation ng blended learning.
Face-to-face classes
Ayon kay Briones, ang kanyang department ay magmumungkahi pa rin ng pagpapatupad ng limited face-to-face learning sa Pangulo.
“Marami siyang tinitingnan na aspeto tungkol sa health situation natin,” sabi niya sa isang televised public briefing.
“In the pilot study, we are suggesting limited face-to-face classes can be done in 100 schools. Let us test if we are able to successfully implement it,” dagdag pa niya.
Na-aprubahan naman ng Pangulo ang pagkakaroon ng limited face-to-face classes noong Enero ngunit dahil sa UK o Alpha variant ng Covid-19, nagdesisyon siyang huwag munang ipagpatuloy, sabi ni Briones.
Iba’t-ibang grupo at mga opisyals ng World Health Organization at United Nations Children’s Fund ang nagnanais magkaroon na ng safe reopening ng mga eskwelahan para sa mga in-person classes.
Sinasabi nila na mayroong “grave” at “far-reaching” consequences ang “prolonged school closures” sa mga physical at mental health ng mga estudyante ganundin ang kanilang skills attainment, at learning prospects.
Sources: ABSCBN, ManilaTimes