Connect with us

National News

Bong Go at erwin Tulfo nangunguna april 2025 senate survey ng octa research

Published

on

Napanatili nina reelectionist Senator Bong Go at ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo ang kanilang top spot sa pinakabagong senatorial survey na isinagawa ng OCTA Research Group ngayong buwan Abril.
Batay sa resulta ng Tugon ng Masa survey, nanguna si Go na may 64.2% voter preference, kasunod si Tulfo na may 61.2%. Itinuturing silang tabla sa unang puwesto.
Sumunod sa kanila si broadcaster Ben Tulfo, kapatid ni Erwin, na may 45.4% voter preference; dating Senate President Tito Sotto, 43.3%; Senator Bato dela Rosa, 40.4%; dating senador Ping Lacson, 39.7%; Senator Pia Cayetano, 39.5%; Senator Bong Revilla, 38.7%; Senator Lito Lapid, 36.9%; Makati Mayor Abby Binay, 35.7%; dating senador Bam Aquino, 32.3%; at Las Piñas Representative Camille Villar, 30.4%.
Nakapagtala rin ng mataas na boto sina dating senador Manny Pacquiao (30.3%) at Kiko Pangilinan (30.3%), TV host Willie Revillame (29%), dating Interior Secretary Benhur Abalos (28.8%), Senator Imee Marcos (27.9%), Senator Francis Tolentino (27.7%), at aktor Philip Salvador (24.4%).
Tinanong sa mga kalahok sa survey kung sino ang kanilang iboboto bilang senador kung ang halalan ay gaganapin noong araw ng panayam.
Ayon sa OCTA, isinagawa ang survey mula Abril 10 hanggang 16 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na mga Pilipinong nasa wastong edad.
May ±3% margin of error ito sa 95% confidence level.
Continue Reading