Health
Booster shots, hindi pa aprobado -DOH
Ayon sa Department of Health (DOH), hindi pa na-aaprubahan ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang pag-aadminister ng COVID-19 booster shots sa kahit sinoman sa Pilipinas.
Lumabas ito matapos may naiulat na nag-anunsyo si Presidential Spokesperson Harry Roque, na pinayagan na ng NITAG ang pamamahagi ng third shot ng COVID-19 vaccine sa mga health workers.
Noong araw na iyon, si vaccine czar Sec. Carlito Galvez, Jr. ay na-quote na nagsasabing ang mga health workers ang priyoridad sa booster rollout.
Sa isang pahayag, sinabi ng health agency na wala pang guidelines na nagagawa ang All Expert Group (AEG) hinggil sa distribusyon ng COVID-19 boosters.
Batay sa website ng DOH, ina-assess ng AEG ang safety at efficacy ng mga bakuna laban sa COVID-19, habang sila rin ang gumagabay sa implementasyon ng vacination program ng bansa.
“The [Vaccine Expert Panel] gave their recommendations but will still be deliberated by AEG, and DOH will decide based on the recommendations from the experts,” ayon sa DOH, batay sa ulat ng ABS-CBN News.
Nitong Setyembre, nagpahayag si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na dapat halos 50% ng populasyon ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, bago mag-administer ng booster shots ang gobyerno.
Estimate lamang ito ng mga experts, at dagdag nila na kailangan isaalang-alang ang mga ito para sa mga taong hindi pa nabakunahan ng single dose ng bakuna.
Kahapon, Setyembre 13, may 16.8 milyong indibidwal na sa bansa ang fully vaccinated, habang 22 milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang unang dose.
(Source: ABS-CBN News)