National News
BSP hinimok ang publiko na suriin ang kanilang perang nakukuha sa ATM
Hinimok ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga Pilipino na suriin ng mabuti ang mga bills na na-dispense ng automated teller machines (ATMs).
Dapat regularly suriin ng publiko ang banknotes kung ito ba’y authentic sa pamamagitan ng “feel, look, tilt” approach bilang precautionary measure laban sa counterfeiting, paalala ng central bank.
“Should a banknote dispensed by an ATM be suspected as a counterfeit, the holder is advised to immediately report it to the bank that owns the machine,” pahayag ng BSP, batay sa ulat ng PhilStar.
Ayon sa regulator, ang bangko na nagmamay-ari ng ATM ang magsasagawa ng imbestigasyon upang ma-verify kung ang banknote na na-dispense sa kanilang ATM ay authentic.
Kung napatunayan na peke ang pera, sinabi ng BSP na ang bangko na nagmamay-ari ng ATM ang dapat magpapalit ng “banknote in question.”
Batay sa BSP, lahat ng bangko ay kailangang mag-employ ng adequate risk management measures upang maiwasan ang ganitong insidente.
“Aside from the installation of cameras at ATM areas, cash handlers and service providers tasked to refill ATMs are trained to detect counterfeit banknotes or verify their genuineness before placing them in ATMs,”dagdag nito.
Sa ilalim ng Republic Act 10951, “counterfeiters of Philippine currency are subject to the penalty of at least 12 years in prison and a fine not exceeding P2 million.”
Mula Enero hanggang Setyembre 2021, may nahuling mahigit 500 pekeng banknotes na may national value na P480,000 ang BSP. At sa pitong enforcement operations nito, mayroong 16 na suspek ang na-aresto, 14 dito ay miyembro ng crime syndicates.
(PhilStar)