Connect with us

National News

BSP nakakolekta ng P1 billion mula sa mga coin deposit machine

Published

on

PHOTO: BSP

Umabot na sa P1 billion ang kabuuang halaga ng mga barya na nakolekta ng mga Coin Deposit Machines (CoDMs) as of October 11, 2024, higit isang taon lang simula ng simulan ang proyekto

noong June 2023.

Batay sa BSP ang total coin collection ay nasa PHP1,008,889,490.24 na.

Dahil dito, magdadagdag pa ang Bangko Sentral ng dagdag na 25 CoDMs sa buong bansa sa 2025.

Makakatulong raw ito sa mga Pilipino para mas mapadali ang pag-deposit nila ng mga barya at para sa sirkulasyon nito sa ekonomiya gayundin para ma-promote ang cashless transactions.

Sa pamamagitan ng CoDMs, maaaring ma-convert sa mga shopping vouchers o mailipat sa mga e-wallet accounts gaya ng Gcash at Maya ang pera.

Continue Reading