Connect with us

National News

Bukidnon niyanig ng 4.2 magnitude na lindol

Published

on

NIYANIG ng magnitude 4.2 na lindol ang Bukidnon ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na naganap alas-9:46 ng gabi nitong Septyembre 14 at may lalim na 14 km.

Ang epicenter nito ay 20 km hilagang-kanluran ng bayan ng Lantapan.

Naramdaman din ang Intensity III sa Lapatan, Libona at Talakag, Bukidnon habang ang Intensity II naman ay naramdaman sa mga sumusunod na mga lugar:
Sa mga lugar sa Bukidnon
-Baungon
-Cabanglasan
-Impasug-ong
-Kalilangan
-City of Malaybalay
-Manolo Fortich
-Maramag
-Pangantucan
-Quezon
-Sumilao
-City of Valencia
Cagayan de Oro City

Ang Intensity I naman ay naramdaman sa mga bayan ng Kadingilan at San Fernando sa Bukidnon.

Samantala, naunang na iulat na 4.4 magnitude pero nagbaba din ito sa 4.2 na magnitude.