National News
Bulkang Taal, nagbuga ng abo at usok
Matapos magpakawala ng usok at abo ang Taal Volcano ngayong Linggo ng hapon, nag-utos na ng preemptive evacuation sa buong isla ng Taal Volcano, ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Undersecretary Renato Solidum.
“Asahan ang mas makapal na usok at pagsabog at mga mararamdamang pagyanig pagaalboroto ng Taal,” sabi pa ni Solidum.
Ayon sa Phivolcs, alas-2:45 ng hapon, Enero 12, 2020, nagkaroon ng phreatic explosion sa bulkan na ibig sabihin ay pagpapakawala ng bulkan ng usok at abo.
Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano na nangangahulugang posibleng magkaroon ng magmatic intrusion, na pwedeng mauwi sa tuluyang pagsabog ng bulkan.
Ayon naman sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, mula alas-11:45 ng umaga ay nakaranas ang mga residente ng Sitio San Isidro, Pulo Island at Talisay ng mga pagyanig.
Article: ABANTE