National News
Bulkang Taal Alert level 3 na! Mahigit 1,000 na residente nagsimula ng mag-evacuate
Mahigit 1,000 na mga residente nakatira sa bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas ang nagsimula nang mag-evacuate matapos makaramdam ng sunod-sunod na phreatomagmatic eruptions galing sa taal volcano kagabi.
Pero maaring umabot sa mahigit 14,000 na mga residente ang mag-evacute dahil sa mga patuloy na volcanic activities, sabi ng NDRRMC.
Ayon kay Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) head Lito Castro, dalawang barangay sa bayan ng Agoncillo at tatlong barangay naman sa bayan ng Laurel ang patuloy na nag-eevacuate.
Base sa mga state volcanologists, ang mga phreatomagmatic bursts ay nag-generate ng short jetted plumes “that rose 200 meters above the main crater lake.”
Itinaas sa alert level 3 ang taal volcano ng Phivolcs, nangunguhulugang mayroong “magmatic unrest, or movement of magma that state volcanologists warn may further drive succeeding eruptions,” noong Huwebes ng hapon.
Ang local government ng Tanawan City ay nagsasagawa na rin ng mga pre-emptive measures of evacuation.
Sinabi naman ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa kanyang facebook post na suspended muna ang mga klase sa lahat ng antas ng edukasyon, pati na rin ang online classes at handa na rin ang kanilang probinsya mag-evacuate.
“Sa mga may pasok sa paaralan kung elementary man o kolehiyo, classes suspended, submissions postponed, online classes are on hold. Wifi Signals might be impaired and heavy ash fall is a possibility tomorrow. Stay Indoors, shut your windows close. Prepare your face mask and stay safe everyone.”
Handa na rin tumulong at magbigay ng tulong ang National Goverment sa mga apektadong residente, ayon kay President Rodrigo Duterte.