Connect with us

National News

Bumaba sa 10% ang mga pamilyang Pilipino na nagugutom – SWS

Published

on

pamilyang Pilipino na nagugutom (1)

Nabawasan ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagugutom sa gitna ng pandemiya, ayon sa isang September 2021 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Base sa isinagawang face to face interview ng SWS noong Sept. 12-16 sa 1,200 adults, bumaba ng 10% ang hunger rate, o tinatayang 2.5 milyon mula sa 13.5% o mga 3.4 milyon noong Hunyo.

“The resulting 13.5% average for the first three quarters of 2021 is less than for last year but has not fully recovered to pre-pandemic levels,” ayon sa pollster batay sa ulat ng ABS-CBN.

Dagdag nila, 7.9% o dalawang milyong mga pamilya ang nakakaranas ng moderate hunger, habang 2.1% naman o 534,000 ang nakakaranas ng severe hunger dahil sa kakulangan ng pagkain na makakain.

“Moderate hunger refers to those who experienced hunger ‘only once’ or ‘a few times’ in the last three months. Meanwhile, severe hunger refers to those who experienced it ‘often’ or ‘always’ in the last three months,” paliwanag ng SWS.

Ang resulta ng survey ay may sampling error margin na ±3 percent.

Mas mababa ng 6% ang hunger rate ngayong taon kumpara noong 2020 na 16% sa parehong period.

Nabanggit rin nila na bumaba ang bilang ng nagugutom sa lahat ng lugar maliban lang sa Metro Manila. Ang mga pamilya na nagsasabi na nakakaranas pa rin sila ng gutom ay nasa 10.3% ng populasyon sa Balance Luzon at Mindanao, sinundan ito ng Visayas na nasa 6%.

“Metro Manila, which recorded a 14 percent incidence of hunger, has been ‘worst in 21 out of 95 surveys since July 1998,'” sinabi ng pollster.

Samantala, bumaba rin ang hunger incidence sa poor at non-poor families.

(ABS-CBN News)