Connect with us

National News

Buong Luzon, isinailalim sa ‘enhanced’ community quarantine

Published

on

File photo/ Radyo Todo Aklan

Isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa “enhanced community quarantine” dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang mensaheng ipinaabot ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa media nitong Lunes bago ang mahalagang anunsyo ni Pangulong Duterte ngayong hapon.

“PRRD just announced an enhanced community quarantine in the entire Luzon,” ani Panelo.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, mahigpit na ipinapatupad ang striktong home quarantine sa lahat ng mga kabahayan, suspendido ang transportasyon, at kontrolado ang mga serbisyo sa mga pagkain at kalusugan.

Mas marami na ring uniformed personnel ang ipapakalat sa pagpapatupad ng community quarantine.

Hindi pa malinaw kung sino ang mga exempted sa kautusang ito. Pero ang mga ito ay pag-uusapan sa pulong ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.

Sa ngayon, may 140 katao na ang apektado ng COVID-19 sa bansa at 12 na ang nasawi.