National News
CAAP: Int’l flights papayagan na sa NAIA simula Mayo 11
Balik operasyon na sa Lunes ang mga international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Maynila ngunit may itinalagang araw na kailangang sundin ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Sa inilabas ng CAAP na Notice to Airman (NOTAM) ang mga international chartered flights ay papayagang makalapag tuwing Lunes at Huwebes lamang. Kailangan nitong makakuha ng clearance mula sa Department of Foreign Affairs at sa CAAP.
Ang mga commercial flights naman ay papayagan tuwing Martes, Miyerkules, Biyernes, Sabado at Linggo.
Dapat munang makakuha ng approval mula sa CAAP, 48 oras bago ang nakatakdang departure mula sa airport para maisama sa 400 passengers kada araw na kapasidad ng NAIA sa ngayon.
Magugunitang, sinuspinde ng gobyerno ang mga incoming international flights sa NAIA para ma decongest ang mga quarantine facilities sa bansa simula Mayo 2.
Samantala, ang mga papasok sa bansa na Filipino migrant workers ay kinakailangang magsagawa ng 14 days mandatory quarantine bilang hakbang laban sa pagkalat ng COVID-19.