National News
Cameroonian National, arestado dahil sa pagbibenta ng pekeng US Dollar bills
Arestado sa ginawang entrapment operation ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine National Police (PNP) ang isang 47 taong gulang na Cameroonian national dahil sa pagbibenta umano ng counterfeit na US dollar banknotes.
Nakumpiska ng Quezon City Police Anti-Cybercrime Team at Payments and Currency Investigation Group (PCIG) ng BSP mula kay Fonki Gregory Abueh ang labing-apat na mga pekeng 100-dollar bills.
Kinasuhan si Abueh ng illegal possession and use of false treasury or banknotes and other instruments of credit sa ilalim ng Revised Penal Code.
Nahaharap din si Abueh sa hiwalay na kaso ng swindling o estafa sa ilalim naman ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Pinapaaalalahanan ng BSP ang publiko na maging mapanuri at mapagmatyag laban sa mga pekeng currencies at ipaalam kaagad sa kinauukulan kung mayroon mang makalap na impormasyon kaugnay ng pamemeke ng pera. Narito ang kanilang mga contact details: [email protected] o 02 8988-4833 at 02 8926-5092.